Saturday 30 August 2014

Hindi ka magiging Successful sa iyong Network Marketing Business mo kung Wala ka Ito...., 



Ang Personal Develpoment-Ito nb ang Pinaka Importanteng Factor ng Success???   
Ng magsimula ako sa Network Marketing, marami na akong narinig na nagsabi na ang personal development daw ang pinaka-importanteng salik (wow lalim!) sa pagkakaroon ng success.  At dahil di ko naman sinasabi na hindi mahalaga ang Personal Development para sa tagumpay, pati na rin ang mga training at pag-aaral, kailangan mong maging maingat na huwag mahulog sa tinatawag na "Personal Development trap" o "learning trap". Naniniwala ako na bagaman ang dalawang ito ay mahalaga, ay pwedeng itong maging mga "trap" at karamihan sa atin na hindi pa nagiging successful ay nakakalimutang ang MAS mahalagang bagay sa pag-achieve ng success, hindi ito personal development, hindi mga training, hindi rin leadership... lahat ito ay importante... pero ang PINAKAMAHALAGANG factor ay simple lang - ang pagkakaroon ng CONSISTENT ACTION!


Ano Nga Ba Ang Katangian Na Wala Ang Karamihan Na Meron Sa Isang Leader?
Ang isang bagay na nagbubukod sa mga leaders at sa mga taong hindi pa nagkakaroon ng resulta ay ang paggawa ng consistent na action. At ang magaling pa sa kanila ay gumagawa sila ng mga consistent na action HANGGANG sa sila ay magkaresulta. Hindi sila sumusuko kahit napakahirap pa ng kanilang pinagdadaanan. Hindi sila sumusuko kahit minsan maliit pa ang nagiging resulta ng kanilang action - at minsan pa nga ay pakiramdam nila ay walang nangyayari sa mga ginagawa nila. Ipagpatuloy mo lang ang paggawa ng consistent action at MARARATING MO RIN ANG TAGUMPAY! Isama mo dito ang elemento ng Trainings at Personal Development at siguradong tagumpay ang makakamit mo!
Kumikilos Naman Ako … Bakit Ganun Pa RIn!?

Ang bottomline question ay ito: "Consistent naman ako sa mga ginagawa kong actions, bakit wala pa ring nangyayari sa MLM business ko"? Maaring ang sagot dyan ay hindi effective ang mga ginagawa mong action. Huwag kang hihinto. Kailangan mo lang alamin ang mga actions na effective. Walang saysay ang mga ginagawa mong pamamaraan kung hindi naman effective ang mga ito. Ang isa sa mga kasagutan dito ay makikita sa mga leaders. Sabi nga nila ang Network Marketing ay copy business - kopyahin mo ang mga ginagawa ng mga leaders.
  • Humanap ka ng isang leader na willing i-share ang mga bagay na ginawa nila na nagbigay sa kanila ng resulta. Marami sa kanila ay mas approachable kesa
  • sa inaakala mo, pero kailangan mong mag-qualify para sa kanilang oras sa pamamagitan ng paggawa ng consistent action!
  • Bumili o mag-enroll ka sa mga courses na ginawa ng mga leaders. Hindi ka kikita sa negosyo mo kung hindi ka mag-iinvest (di ba namuhunan ka nung nag-pay-in ka?, kagaya rin ito nun). Karamihan sa mga leaders na ito ay gumawa ang mga courses na ito para ipakita at guide-an ka sa iyong business at para makuha mo ang mga resulta mong hinahanap.





Sa huli, gaya ng lahat ng bagay sa ating buhay, walang  madaling paraan para makamit ang tagumpay. Sinisiguro ko sayo na ang daan papunta sa tagumpay ay baku-bako, minsan ay madulas pa! Kaya nga ang mga bagay na binanggit ko sa post na ito gaya ng personal development at mga trainings ay may malaking role....pero ang PINAKA-IMPORTANTE sa lahat ay kailangan mong magkaroon ng CONSISTENT MASSIVE ACTIONS! Simulan mo na ngayon kaibigan at magkita tayo sa tuktok!


See you again in my next blog!

Your friend partner in success;

                                                         Esterlina Agustin

       


Ygff

No comments:

Post a Comment